ALAM MO BA NA SA ITALYA, SA HUNYO 8–9, MAGKAKAROON NG BOTOHAN PARA SA LIMANG NAPAKAHALAGANG TANONG?
ALAM MO BA NA SA ITALYA, SA HUNYO 8–9, MAGKAKAROON NG BOTOHAN PARA SA LIMANG NAPAKAHALAGANG TANONG?
(Makikita mo ang buong teksto ng mga tanong sa ibaba ng pahina. Narito ang mga buod.)
Ito ang tanong tungkol sa karapatan sa pagkamamamayan.
MAS MARAMING KARAPATAN PARA SA MGA NANINIRAHAN, NAG-AARAL, NAGTATRABAHO, AT NAGBABAYAD NG BUWIS SA ITALYA (Tanong 5)
Sa kasalukuyan, ang sinumang nais mag-aplay para sa pagkamamamayang Italyano ay kailangang nakatira nang pormal at tuloy-tuloy sa Italya ng hindi bababa sa 10 taon. Dahil dito, 2.5 milyong katao ang naiiwanan — walang karapatang bumoto, lumahok sa mga pampublikong kumpetisyon, o malayang makagalaw sa loob ng Europa.
PARA MAWALA ANG BATAS NA ITO AT BAWASAN ANG PANAHON NG PANINIRAHAN MULA 10 TAON HANGGANG 5 TAON, ON JUNE 8-9 VOTE YES!
Pagkatapos, mayroong 4 pa na tungkol sa mga karapatan ng mga manggagawa. Maaari kang bumoto para sa lahat ng lima o para lamang sa mga gusto mo.
ITIGIL ANG ILIGAL NA PAGPAPAALIS SA TRABAHO (Tanong 1)
Today, anyone who wants to apply for Italian citizenship must have lived continuously and formally in Italy for at least 10 years. This excludes 2.5 million people from voting, from applying for public sector jobs, and from moving freely across Europe.
TO REPEAL THIS LAW AND REDUCE THE REQUIREMENT FROM 10 TO 5 YEARS, ON JUNE 8-9 VOTE YES!
MAS MARAMING PROTEKSIYON PARA SA MGA NAGTATRABAHO SA MALILIIT NA KUMPANYA (Tanong 2)
Sa kasalukuyan, kung ikaw ay nagtatrabaho sa isang kumpanya na may mas mababa sa 16 na empleyado at ikaw ay tinanggal nang iligal, maaari kang makatanggap ng hindi hihigit sa anim (6) na buwang sahod bilang kabayaran.
Dahil dito, mahigit 3.7 milyong manggagawa ang nananatiling nasa mahina at hindi pantay na kalagayan.
UPANG MAWALA ANG BATAS NA ITO AT TAASAN ANG KABAYARAN BASE SA LAKAS PINANSIYAL NG KUMPANYA, MGA RESPONSIBILIDAD SA PAMILYA AT EDAD NG MANGGAGAWA, ON JUNE 8-9 VOTE YES!
BAWASAN ANG TRABAHONG PREKARYO (Tanong 3)
Ngayon, pinapayagan ang pagkuha ng mga manggagawa sa kontrata hanggang 12 buwan nang hindi kinakailangang ipaliwanag ang dahilan.
Ito ay lumilikha ng milyon-milyong mga trabahong hindi tiyak, kung saan ang mga manggagawa ay nahihirapan sa pagrenta ng bahay o sa pagkuha ng pautang sa bangko.
UPANG MAWALA ANG BATAS NA ITO AT IBALIK ANG PANGANGAILANGAN NG DAHILAN PARA SA MGA KONTRATANG PANSAMANTALA, ON JUNE 8-9 VOTE YES!
MAS MARAMING KALIGTASAN SA TRABAHO (Tanong 4)
Sa kasalukuyan, ang isang kumpanya na nagbibigay ng kontrata sa iba ay hindi responsable sa mga aksidente na dinaranas ng mga manggagawa ng kumpanyang subcontractor.
Dahil dito, maaaring mapababa ang mga gastos sa kapinsalaan ng kaligtasan ng mga manggagawa.
UPANG MAWALA ANG BATAS NA ITO AT PALAWAKIN ANG PANANAGUTAN NG KUMPANYANG NAGPAPAKONTRATA ON JUNE 8-9 VOTE YES!
PAANO AT KAILAN BUMOTO
Ang paglahok sa referendum ay isang mahalagang karapatan. Narito ang lahat ng kailangan mong malaman para makaboto nang walang problema.
KAILAN BUBOTO
Gaganapin ang referendum sa Linggo, Hunyo 8 mula 7:00 AM hanggang 11:00 PM at sa Lunes, Hunyo 9 mula 7:00 AM hanggang 3:00 PM.
SAAN BUBOTO
Gaganapin ang botohan sa ilang paaralan.
Makikita sa iyong voter’s card ang address ng paaralan kung saan ka dapat bumoto at ang numero ng iyong voting section.
MGA DOKUMENTONG KAILANGAN
Para makaboto, dalhin mo ang:
Isang dokumento ng pagkakakilanlan na may malinaw na litrato (identity card, pasaporte, o Italian driver's license).
Ang iyong voter’s card (tessera elettorale)
PAANO KUNIN ANG VOTER’S CARD
Dapat ay natanggap mo na ito sa bahay sa pamamagitan ng koreo.
Kung hindi mo pa ito natanggap o nawala mo ito, maaari kang humingi ng bagong kopya sa opisina ng eleksyon (ufficio elettorale) ng iyong Comune o bayan ng paninirahan.
PAANO BUMOTO
Pumunta sa paaralan na nakatala sa iyong voter’s card at hanapin ang iyong voting section.
Ibigay ang iyong ID at voter’s card. Bibigyan ka ng 5 balota at isang lapis. Sa bawat balota ay may isang tanong para sa referendum.
Ituturo sa iyo ang voting booth.
Para bumoto, lagyan ng ekis (X) ang sagot na “SÌ” kung sumasang-ayon ka sa mga panukala.
Tiklupin ang mga balota pagkatapos bumoto.
Paglabas mula sa booth, ibigay ang mga balota. Kunin muli ang iyong ID at voter’s card bago umalis.
TANDAAN!
Maging balido lamang ang referendum kung aabot sa 25 milyong tao ang boboto.
Ang referendum ay isang pagkakataon para marinig ang iyong tinig, at ang iyong boto ay napakahalaga!
KUNG IKAW AY MAAARING BUMOTO, BUMOTO KA! KUNG MAY KILALA KA NA MAAARING BUMOTO, SABIHIN MO SA KANILA NA BUMOTO!
A cura del Comitato per il Sì Cittadinanza Milano e Provincia